16M pondo pambili ng cobalt source inaprubahan ng DOH

INAPRUBAHAN na ng Department of Health (DOH) ang halagang P16 milyon para sa pambili ng bagong cobalt source sa Zamboanga City Medical Center (ZCMC).

Ayon kay ZCMC chief Dr. Romeo Ong, malaking tulong ang nasabing pondo na inaprubahan ni Health Secretary Enrique Ona dahil may magagamit na ang kanilang ospital.

Ang cobalt source ay bibilhin ng DOH sa Canada at inaasahan na darating sa lungsod ngayong unang quarter ng taon.

Sinabi ni Ong na hindi muna sila tumatanggap ng mga pasyente na sumasailalim sa radiation therapy dahil hinihintay pa nila ang bagong pasilidad para sa Department of Radiation Oncology (DRO) ng ospital na ipapalit sa lumang cobalt source na tumagal na umano ng 10 taon.

Nabatid na ang cobalt source ay ginagamit sa radiation therapy, isang paraan na ginagamit  ng mga pasyente na may cervical cancer, colon, rectal at breast cancer.

Sa bawat sesyon ay umaabot naman ng halagang P400 ang magagastos ng isang pasyenteng may cancer. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply