17th day ng impeachment trial maagang tinapos

TULAD ng pangako ni Senate President Juan Ponce Enrile ay maaga nitong tinapos ang ika-17 araw ng impeachment trial laban kay Chief Justice Renato Corona sa Senado.

Ito ay bilang pagbibigay oras sa Araw ng mga Puso at ika-88 kaarawan ni Enrile.

Kanina sa umpisa pa lamang ng impeachment ay una nang pinaupo sa proceeding ang BPI Ayala branch manager na Leonora Dizon na iprinisinta ni Rep. Rudy Fariñas.

Nabatid na hindi pa sana si Dizon ang susunod na witness ng prosecution panel, ngunit dahil sa malapit na itong manganak ay minabuti ng lupon na agad nang tapusin ang pagkuha ng salaysay sa nasabing testigo.

Kapwa rin pinagpapasa ng impeachment court ng legal memo ang depensa at prosecution hinggil sa sinabing pekeng dokumento kahapon ng PS Bank manager na si Annabelle Tiongson.

Bukas ay pinahaharap pa rin ng korte ang presidente ng PS Bank na si Pascual Garcia at si Tiongson para sa ika18 araw ng impeachment trial.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply