18 sugatan sa tumagilid na bus sa Aklan

SUGATAN ang drayber at 17 pasahero na karamihan ay mga mag-aaral matapos na patagilid na bumagsak ang sinasakyang pampasaherong bus sa kurbadang bahagi ng kalsada sa Poblacion, Malinao, Aklan kaninang umaga.

Sa report na nakarating sa camp Crame, kinilalaa ang mga biktima na isinugod sa Aklan Provincial Hospital na sina Regine Rapiz, 14, Cristito Icawalo, 69, Rey de Tomas Inson, Nome Espino, John Rey Idoreta, 19, Jolito Ilarina Igcazensa, 29, Andrew Leyson de Tomas, 19, Roblyn Escarson, 47, Angie Yasul, 11, Albert de Tomas Inzon, 20, Rea de Tomas Inzon, 15, Crisanta Englis, 74, Raffy Esmael.

Ang iba naman ay itinakbo sa Malinao Rural Health Center, kabilang ang driver na si Roy Nerviol, 26, ng Bacyang, Madalag, Mike Arvin Relimbo, 15, Erwin Relimbo, 14, Ronel Fernando at Leony Rapis.

Karamihan sa mga biktima ay pawang mga residente ng Malinao, Aklan at mga estudyante.

Ayon kay SPO1 Rufino Iquiña, imbestigador ng Malinao PNP, galing sa Daja Malinao ang naturang bus papuntang Kalibo nang mawalan ito ng preno at matumba.

Wala namang naiulat na namatay sa nasabing aksidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply