1,913 sa 6,200 examinee pumasa sa 2011 Bar exam

UMABOT lamang sa 31.95%  o 1,913 mula sa 6, 200 kumuha ng Bar exams ang nakapasa noong 2011.

Bagamat kakaunti lamang ang nakapasa, sinabi ni Supreme Court spokesman Midas Marquez na ito na ang second highest rating Bar passers sa millenium na ito.

Noong 1954 naitala ang pinakamataas na passing percentage (75.17%) habang ang pinakamababa ay noong 1999, 16.59 percent.

Nanindigan naman si Marquez na bukas pa nila iaanunsyo ang mga pangalan ng mga bagong abogado ng alas-2:00 ng hapon.

Ang Bar exams noong 2011 ay isinagawa sa University of Santo Tomas (UST) sa España, Maynila.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply