199 bagong ahente ng PDEA nagtapos

AABOT sa 199 bagong ahente ng Philippine Drug Enforcemet Agency (PDEA) ang nagtapos sa isinagawang 5th Commencement Exercises para sa Drug Enforcement Officers Basic Course (DEOBC) na isinagawa sa PDEA office sa Quezon City kaninang umaga.

Binati ni Director General Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Undersecretary Jose S.Gutierrez,Jr.,ang may 199 bagong ahente na kaanib sa KAISANG-ALAB class, na pang-lima batch sa drug enforcement officers na matagumpay na nakapagtapos ng makaraang ang anim na buwang pagsasanay sa PDEA Academy sa ilaim ng pamumuno ni Superintendent Crisostomo S. Bas, Jr.

“Out of more than three thousand applicants, only 206 qualified for training and out of these 97 percent passed the academic and non-academic requirements to become PDEA agents. I have high hopes that the 199 new PDEA agents will exemplify the Agency core values of self-less service, honor, dedication, excellence and competence,” ani Gutierrez.

Ayon sa PDEA ang pangalang KAISANG-ALAB ay kaugnay ng “Kaakibat sa Iisang Adhikain Upang Labanan Ang Bawal na Droga.”

Napili ng pang-limang batch ng PDEA cadets ang naturang pangalan dahil sa kanilang paghihirap sa training at sa akademya at ang kanilang pangako na labanan ang iligal na droga.

Ang Agent na si Rudyard Ruben Capito ay tumanggap ng Award para sa Academic Excellence or the Director General’s Award, ang pinakamataas na award sa kadete dahil sa pagpapakita ng outstanding performance sa panahon ng pagsasanay.

Nitong nakalipas na Agosto 2011 natapos ang training ng naturang batch sa PDEA Academy sa Silang, Cavite.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply