1M turista saksi sa Panagbenga Festival

BAGUIO CITY – Inaasahan ng  mga opisyal ng lungsod na aabot sa mahigit isang milyong turista ang magiging saksi sa Panagbenga Festival, isang taunang pagdiriwang na nag-ugat sa industriya ng bulaklak.

Ayon kay Baguio City Vice Mayor Daniel Farinas, base sa statistical records ng lungsod na kinalap sa hotel bookings, accommodations at informal surveys, inaasahan ng Baguio City na aabot sa mahigit isang milyong turista ang bisita ng lungsod hanggang sa pagtatapos ng festival sa Marso 1.

“Until it’s over on March 1, Baguio City is expected to have more than one million tourists,” ayon kay Farinas.

Nagsimula ang Panagbenga Festival noong Pebreo 1 at magtatapos sa Marso 1 –  isang buwang selebrasyon ng kasiyahan at kaunlaran ng lungsod.

Nagkaroon kaninang umaga ng street dancing sa pamosong Session Road. Nilahukan ang street dancing na mahigit 200 grupo.

“There are so many participants from different walks of life, from schools, from private organization and local government units, they all participated, which gives more life to the festival,” ayon kay Farinas.

Sinabi ni Farinas na inaatasan ng Department of Tourism (DOT) ang lahat ng tourist destination tulad ng Baguio City na magsumitte ng bilang ng turista sa pamamagitan ng random at informal surveys.

“As tourist destination area, we were required to do informal survey which will be submitted to the Department of Tourism (DOT),” paliwanag ni Farinas.

“Masaya kami dahil nakita naming ang acceptance ng mamamayan  saka marami kasi ang float, at maraming taong nagtutungo rito,” giit pa ni Farinas.

Sinabi ni Farinas, nagsimula ang Panagbenga Festival noong 1995 sa ideya ni Atty. Damaso Bangaoet na kinalap ang festival sa salitang Panagbenga o namumukadkad na bulaklak, isang salita ng Benguet.

“Atty. Bangaoet is the father of Panagbenga Festival, which he used the word, panagbenga, a Benguet word, as the symbol of the festival,” giit pa ng bise alkalde. Ernie Reyes

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply