2 ‘holdaper’ tepok sa Parak sa Tondo

NASAWI ang dalawang hinihinalang holdaper makaraan umanong makipagbarilan sa mga pulis sa Moriones, Tondo, Maynila.

Nabatid na narekober sa mga nasawi ang dalawang kalibre .38 na baril at mga gamit na sinasabing nakulimbat sa kanilang mga biktima, habang nakatakas ang isa pang suspek.

Base sa ulat, sumakay ang mga suspek sa pinapasadang jeep ni Andro Lina at nagdeklara ng holdap habang patawid ng tulay sa Moriones sabay tutok ng baril sa mga pasahero at nilimas ang kanilang mga gamit bago tumakas.

Agad namang humingi ng responde sa Manila Police District (MPD) Station 2 ang mga biktima, na tumugis sa mga suspek na nauwi sa engkwentro.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply