2 ‘holdaper’ todas sa parak

NASAWI ang dalawang hinihinalang holdaper makaraang makipagbarilan sa mga rumespondeng pulis sa Tandang Sora Avenue, Barangay Sangandaan, Quezon City kaninang ng madaling araw, Pebrero 18.

Nabatid na bandang alas-3:10 ng madaling araw nang maganap ang panghoholdap habang naglalakad ang biktimang si Catherine Lumio, 36, at tutukan ng baril ng mga suspek na hindi pa batid ang pagkakakilanlan sabay ang pagdedeklara ng holdap.

Tinangay ng mga suspek ang P1,000 cash at pouch na naglalaman ng tatlong relo.

Agad namang naisuplong ng biktima ang mga suspek na kaagad na tumakas nang suwerteng napadaan ang nagpapatrolyang police mobile ng QC Station 3.

Nagsagawa ng follow up operation ang mga pulis at nakita pang naglalakad lamang ang mga suspek kung saan dito na nagka-engkuwentro na ikinasawi ng mga suspek.

Hindi naman narekober ang pera at ang tatlong relo ng biktima.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply