2 bagitong parak patay sa apat agaw-armas

PATAY agad ang dalawang rookie police ng Philippine National Police matapos tambangan ng apat na armadong kalalakihan upang makuha lamang ang kanilang service firearms sa Zamboanga, Sibugay sa ulat ng pulisya kanina.

Base sa report na ipinarating sa Camp Crame, biktima ng agaw-armas ang dalawang napatay na pulis na kinilalang sina PO1 Rey Romano at PO1 Radin Hasi, kapwa nakatalaga sa Community Police Assistance Center (COMPAC) ng Tungawan Municipal Police Station.

Nabatid na isinagawa ang pamamaslang alas 10:00 ng gabi kahapon sa Poblacion, bayan ng Tungawa , nabanggit na lalawigan.

Ayon kay Zamboanga Sibugay Provincial Police Office, Director P/Sr.Supt. Ruben Cariaga, nasorpresa ang dalawang pulis nang pataksil na lapitan ng apat na suspek at ilang ulit na pinaputukan habang nagkakape malapit sa Tungawan Bus Terminal.

Target na ngayon ng manhunt operation ang dalawa sa apat na suspek matapos positibong kilalanin ng mga nakasaksi sa krimen na sina Monib at Jomar Aukausa na kilalang kasapi ng “agaw armas group” sa nasabing probinsya.

Natangay ng mga salarin ang dalang M16 rifle ng mga biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply