2 bahay inararo ng trak; paslit patay, 2 sugatan

PATAY agad ang dalawang taong gulang na bata, habang dalawang iba pa ang malubhang nasugatan makaraang araruhin ng rumaragasang truck na may kargang tubo ang dalawang bahay sa Barangay San Esteban, Pilar, Capiz, kaninang umaga sa ulat ng pulisya.

Lubhang nalamog ang murang katawan ng paslit na si Cathlea Sabala kaya daglian ang naging kamatayan nito, habang patuloy namang ginagamot sa ospital ang mga kapatid na sina Kim Regon at Apple Sabala.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng Pilar police station, nawalan ng kontrol sa minamanehong truck ang lasing na driver na si Eric Fariñas ng Sara, Iloilo.

Lumalabas na unang nahagip ng truck ang dalawang tricycle na naka-park sa tabi ng daan bago pa inararo ang bahay ng pamilya Sabala at ang katabing bahay ng isang Celso Lubaton.

Mahigpit naman na binabantayan ng awtoridad ang suspek na ginagamot sa Bailan District Hospital dahil sa mga sugat sanhi ng insidente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply