2 bangkay natagpuan sa loob ng sasakyan sa Batangas

DALAWANG hindi nakilalang mga bangkay ang natagpuan sa loob ng isang sasakyan sa Batangas.

Ayon kay Philippine National Police spokesman Agrimero Cruz Jr., hinihinalang binaril muna ang mga biktima bago sinunog ng hindi rin nakilalang suspek sa Brgy. Tinga Itaas, Batangas City bandang 10:00

“Recovered from the scene were the charred bodies of the unidentified victims, the Honda Jazz car and still unaccounted spent shells from caliber 9 millimeter caliber 45 pistol and caliber 5.56mm,” ayon kay Cruz.

Kasalukuyang namang nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon sa posibleng pagkakakilanlan ng mga biktima at pagkakaaresto naman ng suspek.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply