2 bata ni PNoy ginagawang gatasan ang pondo ng OP

GINAGAWA lang umanong gatasan ng dalawang bata  at alipores ni Pangulong Noynoy Aquino ang tanggapan ng Office of the President, lalo na ang pondo nito.

Sa sumbong na nakarating kay matang kuwago ng Remate, sa kabila ng naglalakihang pondo ng OPS ay hindi man lang ito naramdaman ng mga miyembro ng media.

Ang ipinagtataka ng ilang mga kasama natin sa trabaho, sa mga nakalipas na administrasyon ay kahit man lang planner o souvenir mula sa Pangulo ay nakatatanggap ang mga media pagsapit ng kapaskuhan subalit ngayon ay hindi nila naramdaman kahit na isang pirasong ballpen na binili man lang sa Divisoria.

Subalit sa liquidation na isinumite ng dalawang alipores ni PNoy, halos napakalalaki ng gastos nito gayong iilan lang ang kanilang staff.

Ang malungkot pa, hindi nila kasundo ang mga miyembro ng media na nakabase sa Palasyo dahil kahit anong gawin nilang gimik ay wa epek pero sa liquidation puro media raw ang kanilang tini-treat.

Sino kayang media ang mga ito, hawsyaw o sarling pamilya lang ninyo. He he he!

Ang nakalulungkot pa nito, panay ang press release ng adminitrasyon na nagtitipid sila gayong panay naman ang gastos nito nang wala namang pinagkakagastusan.

Okey lang sana kung itinulong na lang sa mga  biktima ng bagyong Senadong at landslide sa Compostella Valley subalit ang malungkot ay mukhang iba ang napuntahan.

Ang isa sa alipores na tinutukoy natin ay dating bahagi rin ng nakalipas na administrason at naging batas din siya ng tiyahin ni PNoy na dating senador habang ang isa pang alipores ni PNoy ay kilalang pakialamero sa angulo at istorya gayong hindi naman siya ang editor at desk.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply