2 carjackers patay sa parak sa Rizal

DALAWANG hinihinalang motorcycle-riding carjackers ang nasawi makaraang makaengkuwentro ang pulisya sa Taytay, Rizal, madaling-araw ng Huwebes, Pebrero 2.

Ayon kay Supt. Art Masungsong, head ng Taytay police, tinangka ng dalawang suspek na iwasan ang checkpoint at paputukan ang kaniyang mga tauhan.

“Habang naghahabulan nagpaputok ang rider ng motor, ang backrider. Pinaputukan ang humahabol na pulis. Nagkaroon ng palitan ng putok… patay ang dalawang suspek,” ayon kay Masungsong.

Nabatid na umabot ang habulan sa Velasquez Street sa San Juan village.

Narekober sa mga suspek ang dalawang cal-.38 revolvers.

Base sa inisyal na imbestigasyon, ang mga sinasakyang motorsiklo ng mga ito ay ninakaw lamang nila dalawang araw na ang nakalilipas.

“Dahil ang motor na ginamit ng dalawang suspects ay [nakatimbre] na at natandaan ng mga pulis ang plate number kaya hinabol sila,” ayon pa kay Masungsong.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply