2 dayuhan, tour guide dinukot sa Tawi-Tawi

DALAWANG foreign nationals at isang tour guide ang dinukot sa Tawi-Tawi.

Sa report, dinukot ng mga hindi nakilalang suspek sina Ewold Horn, 52, mula sa Holland;  Lorenzo Vinciguerre, 47, mula sa Switzerland at Ivan Sadinas, 35, mula sa Davao city at tour guide.

Nangyari ang pagdukot sa tatlo  sa sitio Luukluuk, barangay  Paranga, Panglima Sugala, Tawi Tawi.

Sa inisyal na report, armado ng  armalite at kalibre 45 ang limang suspek na  gumamit ng puppet type na Bangka.

Agad namang nagsagawa ng follow-up operation ang awtoridad.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply