2 executive ng DPWH sinibak

TULUYAN nang sinibak sa puwesto ni Public Works Secretary Rogelio Singson ang dalawang opisyal ng kagawaran matapos na mapatunayan ng Ombudsman na nagkasala sa batas.

Sa ginanap na pulong pambalitaan ngayong araw, sinabi ni Singson na noong Pebrero 6 pa nila ipinatupad ang kautusan na sibakin sa puwesto sina Department of Public Works and Highways (DPWH) Director of Administrative and Manpower Management Services Burt Favorito at Director for Bureau Equipment Florendov Arias.

Ayon kay Singson, hindi niya papayagan na madungisan ang kanyang liderato ng mga katiwalian dahil paglabag ito sa ipnatutupad na ‘matuwid na daan’ ng pmahalaang Aquino.

Batay sa desisyon ng Ombudsman na kinatigan naman ng Office of the President, napatunayan nagkasala sa anti-graft and corrupt practices act sina Favorito at Aries matapos na nakawan umano ng mga ito ang kaban ng kagawaran ng mahigit sa P4 milyon.

Pinalabas nina Favorito at Arias ginamit ang nasabing halaga para sa pagkukumpuni ng mga sirang sasakyan ng kagawaran, subalit napatunayan sa mga isinagawang inspeksyon, official receipts at job order requests na gawa-gawa lamang ng dalawa ang sinasabing pagkukumpuni sa 192 sasakyan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply