2 holdaper pumalag, todas sa parak

HUMILATA sa kalsada ang dalawang kalalakihang nangholdap sa isang ginang na bibili ng gamot sa botika para sa may sakit na anak matapos kumasa sa mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) kaninang madaling-araw.

Nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan at namatay noon din ang mga hindi nakikilalang suspek na inilarawang 25-28 anyos at kapwa nakasuot lamang ng short pants at t-shirt.

Sa kabutihang palad, wala namang nasugatan sa mga pulis na sinabing napilitan silang gumanti ng putok dahil pinaptukan sila ng mga suspek.

Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng QCPD sa Camp Karingal, naganap ang insidente dakong alas-12:15 ng madaling-araw sa Quirino Highway sa Sangandaan, Novaliches.

Bago ito, nabatid na hinoldap ng dalawang suspek ang isang ginang na papunta sa botika para ibili ng gamot ang may sakit na anak. Nakulimbat sa ginang ang kanyang cellphone at P500 na pambili ng gamot.

Sa kabutihang palad, ay may nakasalubong ang bitkima ng isang QCPD patrol mobile na may lulan na tatlong tauhan at agad niyang sinabi ang nangyari sa kanya at kung saan tumakbo ang mga holdaper.

Tawag ng tungkulin, tinahak ng mga pulis ang pinagtakbuhan ng mga kawatan at nakitang naglalakad sa kalsada pero nang kanilang sitahin ay pinaputukan sila. Robert C. Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply