2 holdaper utas sa parak

BUMULAGTA ang dalawang hinihinalang holdaper na nambiktima ng isang taxi driver matapos makasagupa ang pulisya ng Sta. Ana, Maynila kaninang madaling-araw.

Sa ngayon ay biniberipikapa ng pulisya ang impormasyon na madalas masangkot ang dalawang napatay sa sunud-sunod na holdapan sa lugar na tinatarget ang taxi cabs.

Sa inisyal na imbestigasyon, minamneho ni Regente Rosalia ang kanyang taxi cab  nang pumara at sumakay ang dalawang suspek sa Mandaluyong City .

Pagsapit sa New Panaderos sa Sta. Ana, Maynila ay biglang nagdeklara ng hold-up ang dalawang suspek.

Matapos na malimas ng mga suspek ang gamit at kinita ng biktima ay agad silang bumaba ng taxi at tumakas dahilan para makahingi agad ng tulong si Rosalia sa MPD-Station 6 na sakop ng Sta. Ana.

Agad na nagsagawa ng follow up operation ang awtoridad at inabutan ang dalawang suspek sa kalye ng Sta. Clara at Isabel sa nasabing lugar nang biglang bumunot ng baril ang mga ito at pinaputukan ang pulis.

Dahil dito, gumanti ng putok ang mga awtoridad na naging dahilan ng agarang kamatayan ng dalawang holdaper.

Narekober sa dalawa ang kalibre .38 at kalibre .22 na ginamit sa panghoholdap. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply