2 kelot todas sa Maguindanao clan war

COTABATO – Dalawang lalaki ang napatay nang ambusin ng hindi nakikilalang armadong kalalakihan sa Southern Philippines nitong Sabado ng gabi.

Dead-on arrival sanhi ng tinamong tama ng automatic rifles sa iba’t ibang parte ng katawan ang mga biktimang sina Andrew Caumbao at Teng Montawal, kapwa ng Datu Montawal township sa probinsya ng Maguindanao.

Blangko pa ang pulisya sa kung sino ang nagkasa ng pang-aambus pero may hinala na ang krimen ay may kinalaman sa awayan ng angkan o clan war.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong 10:20 ng gabi kahapon sa national highway na ilang metro na lamang ang layo sa boundary ng Kabacan at Kidapawan City.

Ayon kay Senior Supt. Cornelio Salinas, provincial police commander, bago ang insidente ay lulan ang mga biktima sa isang motorsiklo at tinatahak ang lugar nang ratratin ng automatic pistols ng may lima hanggang pitong kalalakihan.

Hindi pa nakontento, nilapitan ng ilan sa mga suspek ang dalawang nakatimbuwang na mga biktima sa kalsada at muling pinaputukan bago umalis sa lugar.

Sinugod aniya ng concerned residents ang mga biktima sa pinakamalapit na ospital pero dahil maselan ang kalagayan ay hindi na umabot doon ng buhay.

Inatasan na ni town mayor ng Kabacan na si George Tan, ang kapulisan upang siyasatin kung ang pag-atake ay may kinalaman sa clan war.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply