2 mataas na opisyal ng NPA arestado

DALAWANG mataas na regional leader ng Communist Party of the Philippine New Peoples Army ang nadakip ng pinagsanib na puwersa ng militar at pulisya sa Laguna kahapon (Pebrero 7).

Ayon kay Army Col Generoso Bolina, spokesman, ng AFP Southern Luzon command bandang alas-5:40 ng hapon ay sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng PNP–Criminal Investigation and Detection Group, Army 202nd Brigade at 1st Infantry Battalion sa pamumuno ni Col Leo Baladad, ng 202 Bde ang pinagkukutaan ng dalawang NPA leader.

Hindi na nakaporma pa kahit mga armado dalawang mataas na opisyal ng NPA ng Region 4A habang nagsaagawa ng planning operation para sa kanilang target sa loob ng kanilang safe house sa Barangay Maitim, Bay, lalawigan ng Laguna.

Kinilala ni Bolina ang mga naaresto na sina Anabelle Bueno at isang alyas Lara/Fara na naareto sa Barangay Maitim, Bay, Laguna sa bisa ng apat na warrant of arrest para sa kasong multiple attempted murder, multiple frustrated murder at multiple murder.

Si Anabelle Bueno na may mga alyas na Nancy, Maksie, Sallie, Girlie, Rosita Malabanan ay sinasabing kasapi ng execom Southern Tagalog Regional Party Committee/Head.

Habang ang kasama nito na kinilala lamang sa alyas na Lara/Fara, ang tumatayong finance officer ng Platoon Magnum ng NPA Guerilla Unit Laguna.

Nakuha sa pag-iingat ng dalawa ang improvised explosive devices (IED), 15 illegal explosive sticks at apat na blasting caps.

Nasa kustodiya na nagyaon ng PNP ang dalawa kaugnay sa isasagawang inquest proceedings.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply