2 miyembro ng Lambda Rho Beta fraternity kinasuhan na

KINASUHAN na sa Antipolo City court ang dalawang miyembro ng Lambda Rho Beta fraternity kaugnay sa pagkamatay ng neophyte member nito na si Marvin Reglos sa hazing.

Sa dalawang pahinang information na nilagdaan ni Antipolo City Associate City Prosecutor Christian Bangui, na may petsang Pebrero 22, kasong paglabag sa Section 4 (a) ng Republic Act No. 8049 o Anti Hazing Law ang isinampa laban kina Eric Castillo at Bodjie Bobby Yap.

Una nang sumailalim sa inquest proceedings sina Castillo at Yap, ang mga sinasabing nagdala ng bangkay ni Reglos sa Unciano Medical Center noong Linggo ng hapon.

Base sa information, nakipagsabwatan ang dalawa sa iba pang mga respondent na sina Arjay Gregena at Jufali Abdulah at sa 15 iba pa para pahirapan ang biktima na naging dahilan ng pagkamatay nito.

Sa inquest resolution, inirekomenda naman ng piskalya na maisalang sa preliminary investigation ang mga respondent na parehong “at-large” o pinaghahanap pa na sina Gregena at Abdulah.

Kahapon (Pebrero 23) lamang ay humarap na sa NBI ang Grand Rhoan o ang pinuno ng Lamda Rho Beta Fraternity sa San Beda na si Eduardo Escobal II para makipagtulungan sa imbestigasyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply