2 OFW na namatay sa Lebanon, walang benipisyo

INIULAT ng Villar Foundation na walang natanggap na benipisyo ang dalawa sa tatlong Overseas Filipino Workers (OFW) na namatay nang gumuho ang isang lumang gusali sa Beirut, Lebanon noong Enero.

Sa kanyang personal na pakikiramay sa pamilya ng mga biktima, natuklasan ni Cynthia Villar na walang nakuhang benipisyo ang mga biktimang sina Mary Ann Davatos at Lucy Bombales sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

“Kawawa naman ang naiwang kapatid at ama ni Mary Ann dahil kulang sila sa pera dahil nga walang benepisyo na nakuha mula sa OWWA dahil hindi siya miyembro nito,” ayon kay Villar.

Peronal na nagtungo sa Bacolod si Villar, managing director ng Villar Foundation, upang makiramay sa pamilya ng 26-anyos na si Davatos, residente ng Barangay Nato sa La Castellana.

Umalis ng bansa si Davatos upang magtrabaho bilang kasambahay sa Beirut noong Pebrero 14, 2009  at para matubos ang kanilang sakahan na naisangla ng kanyang pamilya matapos magkasakit ang ina na sumakabilang buhay rin.

Tatlong taon matapos na umalis siya ng bansa ay bumalik si Davatos sa bayang sinilangan na isa nang malamig na bangkay.  Hanggang sa kasalukuyan, hindi naman matanggap ng 56-anyos na ama ni Davatos at ng kanyang kapatid na si Denmark ang malagim na sinapit niya sa ibang bansa.

“Nakalulungkot ang sinapit  ni  May Ann. Nakakuha nga siya ng isang magandang trabaho at mabait na amo pero namatay dahil sa isang malagim na trahedya. Nakikiramay kami sa kanyang pamilya at nakahandang tumulong sa abot ng aming makakaya,” sabi ni Villar.

Ipinaabot din ni Villar ang pakikiramay sa dalawa pang OFW na nasawing kasabay ni Davatos na sina Bombales at Juvelyn Concon. Dumadao sila sa linnguhang misa ng God’s Divine Love International Ministry ng biglang gumuho ang gusali na kanilang kinaroroonan.

Sa tatlong OFW,  si Concon laman ang miyembro ng OWWA, kaya  ang pamilya lamang niya ang makatatangggap ng  P200,000  death benefits at P20,000 burial aid mula sa OWWA.

“Bilang bahagi ng aming adbokasiya patuloy kaming nagbibigay ng tulong sa mga sinawimpalad na mga OFW at kanilang pamilya,” dagdag pa ni Villar. Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply