Bangkay ng 2 paslit, buntis nahukay sa Negros Oriental

TATLONG bangkay pa ang nahukay ngayong hapon lamang ng search and retrieval operatives sa Sitio Moog, Negros Oriental.

Ang mga bangkay ay kinabibilangan ng dalawang bata at isang buntis.

Kinilala ang mga biktima na sina Cristy Jimenez, buntis, 34-anyos, Maritess Jimenez, 4-anyos at Arianne James, isang taong gulang, pawang ng nasabing lugar.

Ang nasabing mga bangkay ay pawang biktima pa rin ng 6.9 magnitude na lindol na tumama sa VisMin partikular sa Negros Oriental  matapos matabunan ng gumuhong pader sa nasabing lalawigan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply