2 paslit ginawang human shield ng NPA, utas

BASE sa police report ngayong alas-2:00 ng hapon ay napatay ang dalawang bata sa engkwentro ng militar at mga kasapi ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Dumagmang, Labo, Camarines Norte.

Sa impormasyong ibinahagi sa media ni Lt. Col. Epimaco Macalisang, commanding officer ng 49th Infantry Batallion sa Region 9, aksidenteng nadamay sa crossfire ang dalawang bata nang gawing human shield ng mga rebelde kasabay ng mainit nilang bakbakan.

Kaugnay nito, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa lugar matapos ang kalunus-lunos na pangyayari.

Hindi pa man matukoy ang identity ng mga batang biktima subalit ayon sa opisyal, isa rito ay nasa pitong taong gulang lamang.

Samantala, kinilala naman ang isa sa napatay na rebelde na itinuturing na kumander ng Regional Unit Guerilla na si Rafael Villanueva alyas “Acagute.”

Nabatid na kaninang ala-1:30 nang maka-engkwentro ng 49th Infantry Batallion ang nasa 15 miyembro ng rebelde sa bulubunduking lugar sa nasabing barangay.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply