2 paslit nakainom ng paint thinner sa Koronadal

NAOSPITAL ang dalawang bata makaraang makainom ng paint thinner sa Brgy. Sta. Cruz sa lungsod ng Koronadal.

Nabatid na napagkamalang inuming tubig ng mga biktima na sina alyas Toto, 4, at Dodong, 1, ang paint thinner kung kaya kanila itong ininom.

Dahil dito, agad na nakaramdam ng panunuka, pagkahilo at pananakit ng tiyan ang mga bata dahil sa ininom na kemikal.

Labis na naapektuhan ang isang taong gulang na bata biktima matapos na mas marami ang nainom nito.

Kasalukuyan namang nagpapagaling ang mga biktima sa ospital na nasa mabuti nang kondisyon ngayon.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply