2 PBA games gaganapin sa Dubai

PARA pagbigyan ang mga overseas Filipino worker (OFW) sa United Arab Emirates, dalawang laro sa Dubai ang gaganapin sa pagitan ng Rain Or Shine laban sa Barako Bull sa Pebrero 23 na susundan ng laban ng Barako kontra crowd-darling na Barangay Ginebra sa susunod na araw.

Ito ay bilang pagtupad sa pangako ng management ng Philippine Basketball Association na makakabilang sa PBA Commissioner’s Cup na sisimulan naman sa Pebrero 10 sa Smart Araneta Coliseum.

Bukod dito ang unang out-of-town match ay paglalaruan sa Pebrero 18 sa Quezon Convention Center sa Lucena City na tatampukan ng Barangay Ginebra at Alaska Milk.

Ang iba pang out-of-town games ay sa Marso 3 sa Tacloban City sa pagitan ng B-Meg at Air21 (dating Shopinas.com), sa Marso 10 ang laro ng Petron Blaze Boosters kontra Philippine Cup runner-up Powerade Tigers, na susundan ng bakbakan ng Meralco Bolts at Barako Bull sa Tubod, Lanao del Norte sa Marso 17 at sa Marso 24 sasabak ang All-Filipino champions Talk N Text kontra Rain Or Shine Elasto Painters.

Sa Pebrero 12 ay magbabanggaan ang Alaska Milk at Rain Or Shine simula 4:14 ng hapon habang ang Petron Blaze Boosters at ang Barangay Ginebra ay magkakasubukan sa second game sa Big Dome.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply