2 Pinay arestado sa overstaying sa China

KALABOSO at nakatakdang itapon pabalik sa Pilipinas ang dalawang overseas Filipino worker dahil sa overstaying sa China.

Ayon sa grupong Migrante, ang dalawang Pinay ay kinilala na sina Prima Delgado at Marivic Labsang.

Batay sa ulat, ang dalawa ay hindi nakapagpa-renew ng kanilang working visa at patuloy na nagtatrabaho bilang domestic helper sa China.

Dahil dito, nananawagan ang Migrante sa pamahalaan na saklolohan ang naturang mga Pinay at maging ang iba pang OFW na hindi dokumentado sa China.

Batay sa tala ng Migrante, umaabot sa mahigit 100 ang mga undocumented OFW na nagtatrabaho sa China.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply