2 Pinoy dedo, paslit sugatan sa road accident sa Jeddah

DALAWANG Filipino ang binawian ng buhay habang sugatan ang isang bata ang nasugatan sa naganap na road accident sa Jeddah Saudi Arabia, iniulat ngayong araw.

Sa report ng Radyo Mo Nationwide, naganap ang insidente sa Obhur sa Jeddah nang mabangga ng Porsche sports car ang sinasakyan ng mga biktima.

Sa inisyal na ulat, ang dalawang biktima ay isang lalaki at isang babae na patungo sana sa isang photography event nang mangyari ang aksidente.

Namatay on the spot ang biktimang babae habang binawian ng buhay habang isinusugod sa ospital ang lalaki.

Masuwerte namang nakaligtas ngunit sugatan ang 4 na taong gulang na bata na kasama ng dalawang nasawi.

Nagpadala na ng tauhan ang opisyal ng bansa sa Jeddah upang alamin ang iba pang inpormasyon kaugnay sa pangyayari, ayon naman sa hiwalay na report ng DZRH.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply