2 Pinoy na nagnakaw sa Dubai sesentensyahan na

UMAASA pa rin ang dalawang Pinoy na kapwa aviation porter na bibigyan sila ng pabor ng hukuman sa ilalabas nitong desisyon sa darating na Pebrero 27 sa kabila ng pagnanakaw na ginawa nila sa Dubai International Airport.

Ayon sa mga akusadong binigyan ng inisyal na A.S., 33, at M.D., 28, matinding pangangailangan ng pamilya ang nagtulak sa kanila upang gawin ang pagnanakaw ng electronic gadgets sa Dnata warehouse sa paliparan ng Dubai.

Sa isinumite nilang tugon sa reklamong nakahain sa sala ni Dubai Court of First Instance Presiding Judge Maher Salama Al Mahdi nitong Lunes (Pebrero 20), hinihingi nila ang kapatawaran sa ginawa nilang kasalanan.

Nadiskubre ang ginawang pagnanakaw ng dalawa dahil makailang ulit na nagreklamo ang kliyente ng airport sa safety officer ng paliparan.

Ayon sa reklamo, wala ng laman ang mga kahon na nai-deliver na sa kanila. Natukoy ang dalawang Pinoy sa pamamagitan ng surveillance camera ng paliparan.

Nakita rin ang paggamit ng akusado ng forklift upang matanggal ang cargo boxes na naglalaman ng electronic.

Nagtago naman sa likod ng kahon ang isa upang makasiguro na walang makakita sa kanya, ayon sa security officer, at pagkaraan ay susuriin ang mga kahon bago bubuksan at nanakawin ang mga gadgets. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply