2 sinaksak ng kainuman, kritikal

PAWANG nasa kritikal na kondisyon ngayon ang dalawang construction worker   matapos pagsasaksakin ng naburyong na kainuman kagabi (Pebrero 12) sa Marulas, Valenzuela City/

Nakaratay at ginagamot sa magkahiwalay na hospital sanhi ng malalim na saksak sa kaliwang dibdib sina Gerbert Pelagio, 24, at si Jeffrey Erano, 28, pawang resident eng F. Bautista st., Marulas ng nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga awtoridad Erick Gardiente, 27, construction worker ng nasabii ring lugar,

.Batay sa ulat, dakong ala-8:45 kagabi ay kainuman ng mga biktima ang suspek at ilang kaibigan sa nasabing lugar hanggang sa nauwi sa kulitan dahil sa nainom na alak.

Nagbunot ng patalim si Erick at agad sinaksak sa kaliwang dibdib si Jeffrey at nang tangkain umawat ni Gerbert ay agad itong kinadyot din ng suspek sa dibdib.

Matapos ang insidente ay tumakas si Erick dala ang patalim na ginamit  habang kasalukuyang inoobserbahan si Jeffey sa Valenzuela Medical Center at si Gerbert ay nakaratay sa Fatima University Hospital.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng awtoridad at isang manhunt operation naman ang inilatag mg pulisya laban sa suspek. Roger Panizal

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply