2 sundalo, 6 pa sugatan sa dalawang ambush

DALAWANG kagawad ng Philippine Army ang namatay habang anim iba pa ang malubhang nasugatan matapos ang magkahiwalay na pananambang na ginawa ng lawless elements sa Compostella Valley at Samar, sa ulat ng militar ngayong hapon.

Ayon kay Army Spokesman Maj Harold Cabunoc bandang alas 5:30 ng hapon kanina ay napaslang ng mga hinihinalang rebelde ang isang sundalo at nasugatan naman ang tatalong kasamahan nito matapos sumabog ang improvised bomb  habang nagsasagawa  ng security patrol sa bisinidad ng Barangay San Vicente bayan ng  Montevista, ComVal.

Kasunod ng pagsabog ay agad na humanap ng kanilang pagkukublihan ang mga kasapi ng Army’s Peace and development teams sa ilalim ng  Bravo Company ng 25th Iinfantry Battalion – 10th Infantry Division subalit pinaulanan pa sila ng punglo ng 15 armadong rebelde.

Samantala, isang Army Private First Class ang napatay at malubhang ikinasugat din ng tatlong sundalo matapos silang tambangan sa Barangay Antipolo, Llorente  Eastern Samar bandang alas 8:00 kagabi.

Ayon kay Lt. Col. Niceforo Diaz spokesman, Army 8th Infantry Division, nasa lugar ang kanilang tropa dahil sa kanilang support projects.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply