2 suspek sa pagholdap, pagbaril sa director ng ABS–CBN arestado

ARESTADO na ang dalawang suspek sa pagholdap at pagbaril sa technical director ng ABS-CBN sa Quezon City kaninang madaling araw.

Kinilala ni Quezon City Police District director Police Chief Supt. Mario O. Dela Vega ang mga nadakip na suspek na sina Christian Paul Gonzales, 23, ng A. Bonifacio, QC mall janitor at David Briones, 23, electrician ng naturang ding address.

Ayon kay Dela Vega nadakip ang mga suspek sa Bakawan St., Barangay Masambong, QC dakong 1:00 ng madaling araw habang naghihintay umano ng kanilang mabibiktima.

Sinabi pa ng QCPD director na ang mga nadakip ay suspek umano sa panghoholdap at pagbaril sa biktimang si Crisologo Pangan, technical director ng ABS-CBN na nasugatan matapos barilin at isinugod sa Capitol Medical Center.

Ayon sa QCPD naglalakad ang biktima at kalalabas lamang ng kanyang television network nang holdapin at barilin ng mga suspek dakong 2:00 ng hapon nitong nakalipas na Sabado (Pebrero 25) sa kahabaan ng Panay Avenue, QC.

Nakilala naman ang mga suspek matapos makuhanan ng CCTV camera at sa tulong na rin ng photo gallery ng pulisya.

Patong-patong na kasong robbery, attempted robbery, at attempted murder ang maaaring kaharapin ng mga nadakip na suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply