2 Taiwanese, tiklo sa illegal mining

ARESTADO ang dalawang Taiwanese sa kasong illegal mining sa Tanauan City, Batangas.

Nasakote ang mga suspek na sina Wang Mao Yuan, 69, ng Kaohsiung City, Taiwan at Wang Yeng Yan, 33-anyos ng Taipei City na kapwa pansamantalang naninirahan sa Barangay Banyadero, Tanauan City makaraang ang mismong mga residente ng naturang lugar ang nagsumbong sa pulisya.

Batay sa report, naaktuhan ng mga pulis at mga tauhan ng City Environment and Natural Resources Office ang mga suspek na naghuhukay sa Barangay Banyadero nang walang kaukulang permit.

Naisumbong ng mga residente sa mga awtoridad ang dalawang dayuhan sa pangambang panganib na idudulot ng ilegal na pagmimina sa kanilang lugar.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply