20 lider ng ‘Sputnik Gang’ inilipat sa Camp Bagong Diwa

AGAD na dinampot ang 20 lider ng “Sputnik Gang” at inilipat sa Camp Bagong Diwa sa Taguig habang nagpapatuloy pa rin ang negosasyon ng mga awtoridad sa riot ng mga preso sa Quezon City Jail.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Station 10 Commander, Supt. Cris Mendoza, nagsimula ang kaguluhan makaraan ang routine inspection ng mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology-National Capital Region (BJMP-NCR) kung saan nakakuha ng sako-sakong mga patalim at matutulis na bagay.

Unang napaulat na nagliparan ang mga silya, kaldero, bote at bakal sa loob ng mga selda kung saan isinisigaw ng mga ito ang pagbibitiw ng kasalukuyang jail warden na si Supt. Joseph Vela gayundin at sa pagbabalik umano ng pondo ng kanilang brigada na nagkakahalaga ng P135,000.

Patuloy pa ring nakaantabay sa labas ng piitan ang isang ambulansya at dalawang fire truck ng Bureau of Fire Protection (BFP) habang hinigpitan ang seguridad sa loob ng piitan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply