21 bahay sinira ng buhawi sa Negros O.

TINATAYANG 21 mga kabahayan ang nasira sa pananalasa ng buhawi sa Kabankalan City, Negros Occidental.

Ayon kay Punong Barangay Oscar Abajon, pitong purok umano ang sinalanta ng naturang buhawi kabilang din sa nabiktima ay ang bahay ng mismong barangay kagawad sa naturang lugar.

Dahil din dito, nagkaroon ng brownout sa buong barangay ngunit wala namang naiulat na nasugatan sa naturang pangyayari.

Kasalukuyang nasa evacuation center ang mga biktima na nasiraan ng bahay at nabibigyan naman ng tulong ng mga opisyal ng barangay.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply