21 Pinoy seafarers bihag ng Somali pirates

HAWAK ngayon ng mga Somali pirates ang isang Greek-owned, Liberia-flagged bulk carrier na may 21 tripulanteng Pinoy matapos itong ma-hijack ayon sa ulat ngayong araw.

Na-hijack ng Harardheere-based pirate group sa ilalim ni Abdhulkadir Mohamed Afwenye ang MV Free Godess habang naglalayag ito mula Singapore patungong Egypt ayon sa ulat ng news site ng Somalia.

Ayon sa Somalia report, dakong alas-10:38 ng gabi nang harangin ng mga pirata ang nasabing cargo vessel na may kargamentong steel cable sa Arabian Sea noong Martes (Pebrero 7).

Ayon pa sa report, ang MV Free Goddess ay tinatayang nagkakahalaga ng $8 milyon at pag-aari ito ng Free Seas Inc. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply