22 miyembro ng frat members na sangkot sa pagkamatay ni Reglos kakasuhan na

TINATAYANG 22 miyembro ng Lambda Rho Beta fraternity ang nakatakdang kasuhan ng pamilya ng napaslang na hazing victim na si Marvin Reglos.

Ayon kay Atty. Dennis Pangan, abogado ng pamilya ng biktima, nakipag-meeting siya kay Justice Secretary Leila de Lima upang humingi ng affidavit ng isa pang testigo na lumutang kahapon.

Nabatid sa abogado na kaagad din nilang isasampa ang kaso oras na makuha ang mga pangalan ng mga sangkot sa hazing.

Samantala, ikinagalak din ng kampo ng biktima ang pagkakaroon ng tsansang makausap nila ang mga pari na namamahala ng San Beda College of Law at nakikipagtulungan ang mga ito upang malutas ang kaso.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply