26 nakaw na sasakyan sa VisMin nabawi ng PNP

NABAWI ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang 26 na sasakyang na-carnap sa mga bahagi ng Western Visayas at Central Mindanao.

Ayon kay Chief Supt. Leonardo Espina, direktor ng PNP-HPG sa kanyang pahayag, ang operasyon ng pagrekober ng mga nakaw na sasakyan ay bahagi ng kanilang special intelligence project na tinatawag na “Case Operation Plan: Inbox” o Coplan: Inbox.

Nagbigay umano ng tulong ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa bahagi ng intelligence at koordinasyon sa ibang ahensya ng pamahalaan.

Sinab ni Espina na ang Coplan: Inbox ay bahagi ng tuloy-tuloy na operasyon ng mga awtoridad laban sa pinakamalalaking sindikato ng carnapping sa Visayas at Mindanao na nabulgar noong nakaraang taon.

Partikular na tinatarget ng Coplan: Inbox ang mga nakaw na sasakyan o mga parte ng sasakyan na ninakaw sa Luzon at ibiniyahe ng mga sindikato sa Visayas at Mindanao, kung saan ibebenta ang mga ito sa mga walang-malay na kostumer.

Karamihan sa mga “hot car” na narekober sa Mindanao ay naiulat na mula sa used car dealers sa Central Mindanao na kinasuhan dahil sa paglabag sa RA 6539 o Anti-Carnapping Act of 1972 sa Department of Justice.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply