27 OFW pa mula Syria dumating kagabi

DUMATING na sa bansa ang 27 overseas Filipino worker na galing sa Syria kagabi (Martes, Pebrero 28).

Dakong 9:00 ng gabi ng lumapag ang Emirates Airways flight EK 334 sa Ninoy Aquino International Airport, ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Ang mga inilikas na manggagawa ay isinailalim sa mandatory repatriation program ng pamahalaan matapos na itaas sa Alert level 4 ang antas ng kaguluhan sa Syria kamakailan.

Pansamantalang tumuloy sa Philippine Embassy halfway house ang mga OFW habang nakikipag-usap pa ang pamahalaan sa kanilang mga Syrian employers at Syrian authorities para sa kanilng mga exit visas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply