2NE1 nagbabakasyon ngayon sa Pinas!

NAGBABAKASYON ngayon sa Pilipinas ang isa sa mga sikat na K-Pop girl group na 2NE1 kung saan miyembro ang Koreanang si Sandara Park na sumikat din noon sa bansa.

Purely bakasyon lang, at walang anumang show o concert ang grupo.

Kasama ni Sandara sa grupo ang naggagandang Koreana na sina Lee Chae-rin, Park Bom at Minzy.

Namataan kaninang umaga ang grupo ni Sandara sa Legazpi Airport sa Albay kung saan sila maglalagi ng ilang araw.

Sinalubong din sila ng kanilang fans at masayang nakipag-picture-taking.

Lalong minamahal ng fans si Dara (tawag kay Sandara sa Korea) dahil kahit ilang taon na itong nasa Korea ay malupit pa ring mag-Tagalog.

Ilang taon na mula nang sumikat si Dara sa Pinas matapos na maging finalist ng pumatok na reality talent show ng ABS-CBN na Star Circle Quest kung saan nagwagi ang naging ka-loveteam niyang si Hero Angeles, na di na active sa showbiz.

Nagkaroon si Dara ng sariling album sa Pinas. Kabilang sa pinasikat niyang kanta ay ang “In Or Out.”

Nagbida rin sila ni Hero Angeles sa Can This Be Love at Trilogy na Because of You.

Kahit na naging ka-loveteam noon si Hero, na gwapo rin naman, ay si Joseph Bitangcol ang kanyang naging dyowa.

Umiiyak na kaya siya ngayon, dahil sayang at pinakawalan niya si Dara! Hindi naman siguro!

Samantala, kabilang sa mga kanta ng grupo na pumatok sa panlasa ng mga kabataang Pinoy ay ang “I Don’t Care” at “Fire.”

Sa katunyan, kapwa pumasok sa local song hit charts ang mga nabanggit na kanta.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply