3 arestado sa ‘abortion’

ARESTADO ang tatlong miyembro ng sindikato na sangkot sa “abortion practice” sa isinagawang entrapment operation ng mga tauhan ng Manila City Hall Public Assistance (CHAPA) sa Quiapo, Maynila, iniulat ngayon.

Kasalukuyang nasa kustodya ngayon ng Manila CHAPA ang mga suspek na sina Luzviminda Tibay, 44, dalaga, residente ng 405 Z.P.De Guzman St.; Masalina Garcia, 47,walang asawa, ng 220 Z.P. De Guzman St, kapwa sa Quaipo, Maynila at si Reynaldo Ramirez, 42, walang asawa ng 108 Solis St,Tondo,Maynila.

Pinangunahan ni P/C Insp. Marcelo Reyes, concurrent chief ng MPD -General Assignment Section at CHAPA chief ang entrapment operation sa loob ng bahay ni Tibay kahapon dakong ala-1:30.

Nabatid na ilang reklamo ang natanggap ng Manila CHAPA mula sa confidential informant na nagsasagawa ng “illegal abortion” ang mga suspek.

Matapos na malaman ni Reyes ang reklamo ay agad itong bumuo ng grupo at isang Joan De Jesus na limang-buwang buntis ang kasama  sa nasabing operasyon bilang informer at kunway magpapalaglag ng kanyang dinadalang sanggol.

Nang matanggap ng mga suspek ang marked money mula sa isang police poseur costumer na kasama sa isinagawang pagsalakay ay naging hudyat ito upang sila ay arestohin.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang limang surgical tool/equipment, isang kahon ng ng surgical gloves, wooden bench at higaan na ginagamit sa iligal na gawain.

Isinailalim naman sa inquest proceedings sa City prosecutors Office ang mga suspek at sinampahan ng paglabag sa RA 2382 (Medical Act of 1959–Illegal Practice of Medicine) at Article 256 of the RPC (Attempted Intentional Abortion).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply