3 bagets kalaboso sa panloloob sa bangko sa Laguna

KALABOSO ang tatlong menor de edad sa panloloob sa isang bangko sa Calamba, Laguna.

Nabatid kay Laguna Police Director Gilbert Cruz, positibong kinilala ng mga testigo ang tatlo base sa video footage mula sa cctv ng bangko.

Batay sa record ng pulisya, nilooban ng tatlong menor de edad ang Malaray at Rural Bank sa Barangay Mayapa na nadiskubre lamang noong Pebrero 13.

Nabatid pa na nakapasok umano ang mga suspek sa loob ng bangko sa pamamagitan ng pagwasak sa isang bahagi ng bubungan nito.

Subalit base sa imbentaryo ng mga taga bangko, walang nakuhang pera at tanging copper wire lamang na kable ng aircondition unit ang nakuha.

kasalukuyang dinala na ang mga suspek sa Department of Social Welfare and Development(DSWD) at ikinakasa na ang maaaring ikaso sa mga ito.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply