3 bagets niratrat habang nangingisda sa Maguindanao

LUMUTANG na parang mga isdang nasabugan ng dinamita sa karagatan ang tatlong binatilyo nang ratratin ng mga hindi nakikilalang armadong kalalakihan habang nangingisda sa Maguindanao nitong Martes ng hapon, iniulat ngayon ng PNP.

Pawang may mga tama ng bala mula sa M16 at M14 rifles sa iba’t ibang parte ng katawan ang mga biktimang sina Jubert Dela Cerna, 13, Rico Divinagracia, 15 at Jmar Mama, 13, pawang residente ng Parang, Maguindanao.

Blangko pa ang pulisya kung sino ang nagkasa ng krimen pero may hinala na ang mga salarin ay mula sa isang angkan na may kalaban na isa pang angkan.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente alas 5 nitong Martes ng hapon sa ilog ng isang masukal na lugar sa Barangay Molina sa Parang, Maguindanao.

Bago ito, nagpaalam sa kani-kanilang pamliya ang tatlong magkakaklase na mamimingwit ng mga isda sa nasabing ilog upang ihain sa kanilang pang-hapunan.

Pero sa gitna ng pamimingwit, biglang sumulpot ang mga armadong suspek at sa hindi malamang dahilan ay tinarget ang tatlong magkakaklase.

Ayon naman sa isa sa kamag-anak ng mga namatay na biktima, maaaring napagkamalan lamang ng mga suspek ang mga magkakaklase na kabilang sa isang angkan na kanilang kaaway.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply