3 holdaper patay sa Quezon City

Photo by: Jimmy Carbo

PATAY ang tatlong holdaper makaraang makipagbarilan sa pulisya kaninang alas-10 ng gabi sa Quezon City.

Sa imbestigasyon, pinasok ng tatlong hindi pa nakilalang holdaper ang isang computer shop saka nilimas ang kita at mga gamit ng kostumer sa Novaliches.

Papaalis na ang mga holdaper nang agad makahingi ng saklolo ang may-ari ng Vintage computer shop dahilan para maabutan ng mga rumespondeng mga pulis ang tatlo.

Sa halip na sumuko, nakipagpalitan ng putok ang mga suspek at agad nilang ikinamatay.

Nakuha sa lugar ng krimen ang isang kalibre .45 at dalawang kalibre. 38 na pag-aari ng mga napatay na holdaper.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply