3 holdaper swak sa kulungan

KULONG ang tatlong holdaper makaraang mahuli ng mga pulis na nambibitikma sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan City kagabi (Pebrero 10) at kaninang madaling araw.

Nakilala ang mga suspek na sina Raffy San Antonio, 27 ng PNR compound.; Ivan Esposo, 22 ng Salmon St., kapwa ng lungsod at Raymond Medalya, 21 ng Bagbag, Quezon City.

Sa ulat, dakong alas-10:00 kagabi nang tutukan ng patalim ni San Antonio si Kylle Joselle Aviso sa Sansom Road, ng lungsod.

Tinangay ng suspek ang cellphone at pera ni Aviso subalit nakahingi ng tulong sa mga pulis ang biktima na naging dahilan upang madakip si San Antonio.

Samantala, dakong alas-4:35 kaninang madaling araw nang holdapin nina Esposo at Medalya si Estrella Tangonan, 21 sa Sabalo St., ng lungsod.

Kinuha ng mga suspek ang cellphone at pera ng biktima bago nagsitakas.

Nakahingi naman ng tulong si Tangonan sa mga pulis na naging dahilan upang habulin at madakip ang dalawa.

Kapwa naman nabawi ang mga nakulimbat sa magkahiwalay na holdapan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply