3 kumpanya ng sardinas humirit ng price increase

NAMEMELIGRONG tumaas ang presyo ng mga sardinas makaraang tatlo pang kumpanya ng naturang produkto ang humirit ng price increase sa Department of Trade and Industry (DTI).

Base kay DTI Undersecretary Zenaida Maglaya, may nauna nang dalawang kumpanyang nagtaas ng presyo noong Enero at ngayon naman ay umaapela ang tatlong iba pang kumpanya para pagbigyan ang kanilang hirit.

Dagdag pa ni Maglaya, maliit lamang ang hirit na dagdag-presyo pero walang katiyakan kung pagbibigyan ito ng DTI dahil sa inaasahang pagbaba ng presyo ng tamban, ang isdang ginagawang sardinas, sa pagtatapos ng fishing ban sa Zamboanga Peninsula.

Pag-aaralan pa rin aniya ng DTI ang mga susunod na development kung nararapat ang nasabing price increase.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply