3 matataas na opisyal ng ASG tigok sa air strike

UTAS ang tatlong matataas na opisyal ng Abu Sayyaf Group na konektado rin sa international terrorist group na Jemaah Islamiyah, sa ikinasang air strike ng Armed Forces of the Philippines sa Parang, Sulu kaninang madaling araw.

Ayon kay AFP spokesman Col. Marcelo Burgos, kabilang sa namatay ay ang most-wanted leader ng ASG na si Umbra Jumdail o alyas Dr. Abu.

Patay din sa operasyon sina Marwan at Abdullah Ali, at 12 pang miyembro ng grupo.

Base sa ulat, sina Marwan at Mauwiya ay responsable sa serye ng karahasan sa probinsiya tulad ng pambobomba at kidnapping.

Nabatid na si Marwan ay isang US trained Malaysian engineer na matagal nang pinaghahanap ng awtoridad maging sa Estados Unidos dahil sa pagkakasangkot sa terror attacks.

Naglaan pa ang US ng $5 million bilang pabuya kapalit ng ulo ni Marwan.

Sa report na ibinahagi naman ni PNP Spokesman P/Chief Supt Agrimero Cruz Jr, dalawang OV-10 ang nagbagsak ng apat na bomba at tatlo rito ang matagumpay na tumama sa target.

Nabatid na 30 miyembro ng terrorist group ang target ng nasabing operasyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply