3 miyembro ng sindikato itinumba sa Batangas

DEAD ON THE SPOT ang tatlong katao, habang agaw-buhay pa rin sa pagamutan ang isa pa matapos paulanan ng bala, ilang minuto lamang matapos dumulog sa paglilitis hinggil sa kaso na may  kaugnayan sa droga sa Batangas.

Ayon sa impormasyong ibinahagi ni PNP Spokesman P/Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., isinagawa ang paglikida alas 12:30 kahapon sa labas ng court-house sa Nasugbo, Batangas.

Kinilala ni Cruz ang mga namatay na sina Felipe Torio, 55, Lydia de Vera Torio, 55, at Arnold Dulay, 35, habang nasa kritikal na kalagayan naman si Alejandro Torio de Vera.

Lumalabas sa pagsisiyasat na sadyang inabangan ng mga hindi pa nakikilalang suspek ang apat na biktima sa kanilang paglabas ng court room sa Regional Trial Court (RTC) building Sitio Sagbat, Bgy. Lumbangan, Nasugbu.

Nabatid na katatapos lamang na dumalo ng mga biktima sa hearing sa isang drug case sa RTC Branch 14 nang ambusin ng apat na kalalakihan na pawang aramdo ng automatic pistols.

Nakuha sa lugar ng krimen ang mahigit 40 empty shell ng .45 caliber.

Hinihinalang may kaugnayan sa kasong kinasasangkutan ng mga biktima ang pangunahing motibo  sa krimen.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply