3 nakapuga sa N. Cotabato jail; 1 huli agad

TATLONG preso ang nakapuga sa selda ng M’lang PNP sa M’lang North Cotabato dakong alas-2:00 kaninang madaling-araw.

Ang mga nakapugang preso ay sina Talsy Sanoy at Nasser Saoton, na kapwa nahaharap sa kasong illegal position of firearms at isang Ramil Sumaray na may kaso namang carnapping.

Pero sinabi ni M’lang Mayor Lito Piñol, na ilang oras lamang ang nakalipas ay nahuli rin agad si Sumaray sa ikinasang follow-up-operation ng M’lang PNP at ng 68th Infantry Battalion ng Philippine Army.

Habang ang dalawa pang preso na sina Sanoy at Saotan naman ay patuloy pa rin na tinutugis para maibalik din agad sa selda. Ang dalawang pugante at pinaniniwalaang nagtatago sa Liguasan Marsh.

Ayon kay Piñol, sinasabing nalingat ang mga pulis na nagbabantay at hindi namalayan kaya nakatakas ang tatlong notoryus na preso.

Pinag-aaralan na kung sasampahan ng kaukulang sakdal ang mga jailguard na nakaduty nang maganap ang pagtakas ng mga preso. Robert C Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply