3 napatay na terorista kikilalanin ng Malaysia

NAGPARATING na ng kanilang kahandaan ang Malaysian authorities na ayudahan ang pamahalaan ng Pilipinas sa pagkilala sa tatlong Malaysian terrorist na napaslang ng militar sa isinagawang aerial bombing sa Sulu kamakailan na kumitil ng 15 kasapi ng Abu Sayyaf Group at kanilang kawing sa Jemaah Islamiya na may multi-million reward money.

Ito ay kaugnay sa kinakailangang DNA test upang scientifically and conclusively ay ma-identify na totoong kabilang sa mga napaslang ang mga high value target na kasapi ng Jemaah Islamiya sa nasabing pambobomba sa Barangay Duyan Kabau, Parang, Sulu.

Ayon kay Operations and Counter Terrorism director Commissioner Datuk Mohamad Fuzi Harun ng Malaysia, may  hawak na silang DNA samples mula sa kamag-anak ng mga namatay at anumang oras ay maaari nila itong ipadala sa Pilipinas para mapagkumparahan.

Sinasabing inaantabayanan lamang ng Malaysian authorities ang go signal mula sa Philippine government para sa gagawing identification sa bangkay ng tatlong suspected terrorists na napatay sa isinagawang air strike sa Sulu noong nakaraang lingo.

Una nang napaulat na namatay sa isinagawang military operations noong Pebrero 2 ang Jemaah Islamiya leaders na sina Zulkifli Abdul Hir, alias Marwan, Darul Islam Sabah at mga miyembro na sina Amin Bacho at Jeknal Adil.

Si Zulkifli ay itinuturong most wanted terror suspect sa Southeast Asia ng Amerika, may $5-million reward na ipinataw ng awtoridad.

Kaugnay nito, pinuri naman ng Malaysian official ang matagumpay na kampanya ng Philippine government laban sa terorismo.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply