3 obrero todas sa pamamaril sa Cotabato

TATLONG manggagawa sa tubuhan ang nasawi makaraang barilin sa Cotabato.

Nakilala ang mga biktima na sina Manuel Sorilla, Jun Marsakop at Loloy Ajillo, pawang mga taga Bukidnon at kasalukuyang nanunuluyan sa Sitio Kisupaan, Barangay Macabinban, Carmen, North Cotabato.

Nabatid na nag-iinuman umano ang mga biktima sa harap ng tahanan ni Marsakop nang biglang sumulpot ang hindi nakilalang armadong kalalakihan at saka pinagbabaril ang mga ito gamit ang M16 armalite rifles.

Nagtamo ng maraming tama ng bala ang mga biktima sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan na naging sanhi ng agad nilang pagkasawi.

Tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril nang matunugan na papalapit na ang pwersa ng Cafgu at militar.

Kasalukuyang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply